A Cebu Pacific aircraft at the tarmac of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang itaas ang “lightning red alert” dahilan para itigil ang flight at ground operations nitong Biyernes ng hapon, Mayo 26.
Ayon sa ulat, pansamantalang inihinto ang flight at ground operations bandang 1:25 ng hapon.
Ang hakbang na ito ay upang mapanatiling ligtas ang mga eroplano at mga pasahero, kasunod ng pagtataas ng babala ng PAGASA sa mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Naibalik na sa operasyon ang paliparan bandang 2:20 ng hapon ayon sa NAIA nang ibaba ng MIAA Airport Ground Operations and Safety Division (AGOSD) ang Lightning Alert sa “Yellow.”
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang super typhoon Mawar sa alinmang bahagi ng bansa at ang pag-ulan na naranasan ay isa lamang localized thunderstorm. RNT/JGC