Home METRO NAIA magiging ‘world-class’ airport sa ilalim ng PPP scheme modernization – transport...

NAIA magiging ‘world-class’ airport sa ilalim ng PPP scheme modernization – transport chief

MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Baustita na may dalang “extensive opportunity for world class transportation” ang modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme na mapakikinabangan ng mga biyahero, ng pamahalaan, at investors.

“We believe this project holds immense economic promise and reflects our determination to provide world-class transport experience to travelers and a rewarding venture for investors,” ani Bautista sa NAIA Project Roadshow sa Singapore nitong Huwebes.

Saklaw ng NAIA modernization project, ayon sa transport chief, ang upgrading ng terminals, pagpapataas ng kapasidad hanggang 62 milyong pasahero kada taon, pagpapahusay ng technology infrastructure, at pagtitiyak ng maaasahang operasyon.

Nilalayon ng proyekto na tugunan ang mga isyung nararanasan ng mga pasahero sa main gateway ng bansa tulad ng  hindi sapat na kapasidad ng passenger terminal buildings, outdated facilities, restricted aircraft movement.

Inihayag ni Bautista na naghahanap ang DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA) ng concessionaire na makapangangasiwa at makapagpapanatili sa NAIA sa loob ng 15 taon sa pamamagitan ng PPP contractual arrangement. 

Inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) Board ang P170.6-billion NAIA PPP Project. Sasaklawin nito ang pagpapahusay ng lahat ng pasilidad sa main gateway ng bansa kabilang nag runways nito, apat na terminal at iba pang mga pasilidad.

Kasado ang pre-bid conference para sa proyekto sa Sept. 22 habang nakatakda ang bid submission date sa Dec. 27, ayon kay Bautista.

“With the right private sector partner, we can unlock NAIA’s full potential, making it an example of progress and innovation in the heart of the Philippines,” giit ni Bautista.

Samantala, sinabi ng opisyal na kinakailangan ng NAIA na ayusin ang mga umiiral nitong pasilidad upang makatalima sa international standards na itinalaga ng International Civil Aviation Organization (ICAO). RNT/SA

Previous articleIka-159 Malasakit Center binuksan sa Bislig City
Next articleEnrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa – DepEd

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here