Home HOME BANNER STORY NAIA naghahanda na sa mahigit 1 milyong pasahero sa Semana Santa

NAIA naghahanda na sa mahigit 1 milyong pasahero sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang dagsa ng mahigit isang milyong pasahero sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Semana Santa.

Sinabi ng MIAA na pinaghahandaan na nila ang dagsa ng mga biyahero sa kanilang “OPLAN Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024” mula Marso 24 hanggang Marso 31.

Ang mahigit isang milyong inaasahang bibiyahe sa paliparan ng bansa ay 15% na mas mataas kaysa 926,755 pasahero na dumaan sa NAIA sa Semana Santa noong nakaraang taon, ayon kay MIAA General Manager Eric Ines.

Anang MIAA, sa unang 14 na araw pa lamang ng Marso 2024, umakyat na sa 1,853,132 ang bilang ng mga pasahero, o mula
128,000 hanggang 138,000 kada araw, at daily average na 132,367.

Sa Semana Santa, sinabi ng pamunuan ng paliparan na ang passenger traffic ay posibleng umabot ng 140,000 sa loob lamang ng isang araw, o malapit na sa pre-pandemic lenten season na nakapagtala ng 1,126,501 pasahero sa loob ng walong araw, na may 140,812 daily average.

“Our domestic operations, in particular, have been consistently surpassing pre-pandemic flight movement and passenger volume. We anticipate travelers taking advantage of exploring local destinations, the ease and convenience of air travel, summer airline promotions, or simply vacationing and being with family during this time,” ani Ines.

“We are prepared for this influx at our terminals, especially as Holy Week coincides with summer, historically a peak season for air travel,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articlePanukalang P100 minimum wage hike sa pribadong sektor suportado ng CHR
Next articleDA nanawagan, Kadiwa ng Pangulo stores na binuksan suportahan