MANILA, Philippines – “Ilang beses ba dapat kayong icall out para tumatak sa maliit nyong utak na dapat mag-observe ng proper mangrove zonation?”
Ito ang sentimyento ng ilang mangingisda at climate activist sa ginawang mangrove planting activity ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bohol.
Anila, mali kasi ang uri ng bakawan na naitanim sa lugar.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinuna ng mangrove advocates ang DENR sa maling uri ng species ng bakawan na naitanim.
Ayon kay mangrove botanist Genea Cortez, ang pagtatanim ng DENR ng Rhizophora species ng bakawan sa katubigan ay makakaapekto rito.
“Mangroves comprise various groups of salt-tolerant plants. Each group, like the bakauan species, has a specific location in mangrove zonations— landward zone, midzone, and seaward zone. This preference is influenced by living and nonliving factors,” paliwanag niya.
“Therefore, if bakauan is planted on mudflats or seaward zone, it cannot survive due to barnacle or taliptip infestations. Barnacles thrive in the seaward zone. Planting bakauan means disturbing the ecosystems in seaward zones. It can also cause survival competition among Avicennia or bungalon species present in the area,” dagdag pa ni Cortez.
Aniya, dapat ay Avicennia species o bungalon ang uri ng bakawan na itinanim dahil mabubuhay ito kahit sa seaward zones at makakaligtas mula sa barnacle infestations.
Sinegundahan ni Mangrove Matters PH founder Matthew Tabilog ang pahayag ng mangrove botanist at sinabing dapat ay bungalong o pagatpat mangroves ang itinanim sa mga lugar na tinaniman ng DENR.
“In the photos, there are existing Pagatpat and Bungalon mangroves in the seaward zone. From that alone, they should have planted the mentioned species instead of the Rhizophora propagules,” aniya.
“It is also best to plant seedlings that are one meter in height because their roots are developed already and they are able to withstand the harsh conditions of the coastal environment like the changing tides and strong currents,” dagdag pa ni Tabilog.
Hindi lamang DENR ang nasita sa pagtatanim ng maling uri ng species kundi maging ang ilang organisasyon at kompanya na sa mga nakalipas na taon.
Wala pang tugon ang DENR kaugnay sa mga pahayag na ito ng ilang mangrove advocates. RNT/JGC