Home NATIONWIDE Nakabinbing kaso vs pulis pinabubusisi ng PNP chief

Nakabinbing kaso vs pulis pinabubusisi ng PNP chief

MANILA, Philippines- Iniulat ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Huwebes na ipinag-utos niya na busisiin ang lahat ng nakabinbing administrative offenses ng mga pulis bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing sa hanay nito.

Inihayag ito ni Acorda sa pulong kasama si Interior Secretary and National Police Commission (Napolcom) chair Benjamin Abalos Jr. at vice chair and executive officer Alberto Bernardosa gitna ng ulat sa backlog sa resolusyon ng administrative cases laban sa erring police officers.

“Based on my experience also as part of yung regional appellate board ng Napolcom, nakita natin na talagang sa dami ng hawak na kaso. Maraming naka undeck and it takes time sa regional level pa lang yung paghawak ng kaso noon is makita mo there are some tumatagal ng buwan,” pahayag ni Acorda sa opening rites ng CHIEF PNP CUP 2023 four-day shooting competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City.

Inilahad pa nhi Acorda na masosolusyunan lamang agad ang mga kso kung kumpleto ang naisumiteng mga dokumento at ebidensya.

Inihayag niya ito sa gitna ng kritisismo sa pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t ibang iligal na aktibidad kamakailan, kabilang ang pagkamatay ng 17-anyos na si Jerhode Jemboy Baltazar sa Navotas at robbery extortion case sa Imus, Cavite.

“We don’t hide anything, and we are serious in the conduct of the investigation. In its totality, this reflects that policemen today are more behaved and focus on their job. That is from a general point of view,” giit ni Acorda.

Mula July 1, 2022 hanggang Aug. 2 ngayong taon, may kabuuang 583 pulis ang natanggal sa serbisyo dahil sa iba’t ibang paglabag habang 129 ang na-demote, 978 ang suspendido, 81 ang pinatawan ng forfeiture of salary at 424 ang sinita. RNT/SA

Previous article#WalangTubig sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque
Next articleMaguindanao del Norte gov, si Macacua lang – BARMM spox