Home NATIONWIDE Nakakuha ng passing mark sa 2022 PISA, isang public school lang sa...

Nakakuha ng passing mark sa 2022 PISA, isang public school lang sa NCR

MANILA, Philippines – Isang pampublikong paaralan lamang sa Metro Manila ang nakakuha ng “above the minimum proficiency level” sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 global comprehension survey, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni DepEd National Capital Region (NCR) director Jocelyn Andaya na ang Benigno S. Aquino High School sa Makati City lamang ang nakaabot sa passing mark mula sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Bukod sa Benigno S. Aquino High School, lima pang paaralan ang nakapasa sa assessment ngunit ito ay mga pribadong paaralan.

“In NCR, there was just one from the public [schools] of the 21 [that participated in PISA]… It’s Benigno Aquino [High School],” ani Andaya.

Ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) na nagsasagawa ng survey, sakop ng 2022 PISA ang reading, mathematics, at science, kasama ang evaluation ng thinking at financial literary skills ng mga estudyante.

Tinututukan nito ang mathematics.

Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian, Senate Committee on Basic Education chairperson, maaaring magamit ang PISA results para bumuo ng solusyon at matugunan ang isyu ng education system ng Pilipinas.

“How do we go up? How do we implement solutions so that we will improve learner performance?” ayon kay Gatchalian.

“It’s difficult to break old habits. The big question is how do we teach our new teachers? Maybe it’s time to revisit and change the curriculum on how we are teaching our teachers as well,” pahayag naman ni Senador Nancy Binay.

Batay sa 2022 PISA results, nasa ikaanim mula sa pinakamababa ang Pilipinas mula sa 81 bansa na lumahok sa pag-aaral.

Kulelat ang mga estudyanteng Filipino sa mathematics at reading comprehension. RNT/JGC

Previous article2 American sex offenders naharang ng BI sa NAIA
Next articleKelot tiklo sa sextortion sa Ozamiz