Home METRO Nakalayang drug suspek balik-selda sa P14.6-M shabu

Nakalayang drug suspek balik-selda sa P14.6-M shabu

CEBU CITY – Tinatayang P14.6 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Bohol anti-narcotics sa isinagawang buy-bust nitong weekend.

Ang operasyon ay humantong din sa pagkakaaresto kay Guardson Abila Binarao, ng Poblacion III, Tagbilaran City, na nakapiyansa para sa pagkakaroon ng loose firearm at ilegal na droga, sinabi ni Bohol Provincial Intelligence Unit chief Col. Lorenzo Batuan nitong Lunes.

Naaresto si Binarao sa Purok 5, Barangay Mayacabac sa bayan ng Dauis noong Sabado. Nakuhanan siya ng kabuuang 2.15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.6 milyon.

Kamakailan ay nakalaya ang suspek sa piyansa para sa kasong illegal possession of a firearm matapos itong arestuhin noong 2016 sa Tagbilaran City.

Nahaharap ngayon si Binarao sa kasong droga sa korte. Santi Celario

Previous articlePH Air Force nakatanggap ng C-130 aircraft mula US
Next articlePacquiao ‘di lusot sa 2024 Paris Olympics