MANILA, Philippines- Binigyan ng social workers mula DSWD 3 (Central Luzon) ng psychosocial intervention ang 11 mangingisdang nakaligtas at pamilya naman ng tatlong mangingisda na nasawi matapos mabangga ng foreign vessel MV Pacific Anna, Marshall Islands-flagged tanker ang kanilang fishing boat na FB Dearyn sa karagatan ng Bajo de Masinloc noong Oktubre 2.
“There is an apparent slight trauma caused by the incident on the survivors but they are coping well and have strong endurance. They expressed emotional distress due to lack of income to support their families,” ayon kay DWSD-3 Director Venus Rebuldela.
Ani Rebuldela, malaki ang nagawa ng “kumustahan session” at financial assistance para gumaan ang pag-aalala ng mga mangingisda.
Sa katunayan, nagbigay ang DSWD-3 ng P190,000 halaga ng tulong. Kabilang na rito ang food aid na nagkakahalaga ng P70,000; educational assistance na nagkakahalaga ng P90,000; at P10,000 burial assistance sa bawat pamilya ng mga nasawing mangingisda.
Nakatanggap din ang pamilya ng tatlong nasawing mangisngisda ng educational assistance matapos makompleto ang kinakailangang dokumentasyon.
“They were also provided with information and were assessed for eligibility for the Sustainable Livelihood Program,” ani Rebuldela. Kris Jose