MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado na makakapagbigay ito ng food packs sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalala ng Bulkang Mayon sa loob ng hindi bababa sa susunod na 45 araw.
Sa kanyang pagbisita sa Barangay Anislag kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng family food packs, sinabi ni Kalihim Rex Gatchalian na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na tiyakin ang kahandaan ng departamento na tulungan ang mga pamilyang inilikas mula sa 6-kilometer (km) radius permanent danger zone.
“Instructed by President Ferdinand Bongbong Marcos na siguraduhin na ang preparation ng gobyerno lalo na ng DSWD is in place,” ani Gatchalian sa isang press briefing.
Aniya, may humigit-kumulang 102,000 family food packs (FFP) na nakaposisyon na sa Bicol at mga karatig-probinsya at handa nang ipamahagi, good for the next 45 days.
Sa datos ng Albay Public Safety Emergency Management Office, 4,390 pamilya o 16,823 indibidwal mula sa siyam na munisipalidad na kinabibilangan ng, Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, Tabaco City, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City, apektado.
Isa pang 40,000 indibidwal ang nakatakdang ilikas mula sa 7-km extended danger zone kung ang status ng Mayon ay itataas sa Alert Level 4.
Ang isang food pack ng pamilya ng DSWD ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng sardinas at anim na pakete ng energy drink o kape, sapat para sa isang pamilya na may limang miyembro sa loob ng dalawang araw. RNT