Home METRO Nakawan sa coffee shop nauwi sa barilan sa Rizal

Nakawan sa coffee shop nauwi sa barilan sa Rizal

MANILA, Philippines – Nauwi sa pamamaril ang isang nakawan sa coffee shop sa Antipolo, Rizal matapos tangkaing habulin ng isa sa mga biktima ang mga suspek.

Base sa imbestigasyon, nakita sa kuha ng CCTV na pumasok sa coffee shop ang dalawang suspek na nakasuot ng helmet.

Kinuha ng mga suspek ang lahat ng gadgets ng mga tao sa loob ng establisyimento.

Nang papalabas na, isang biktima ang humabol sa mga ito at tinulak ang isa sa mga suspek.

Dito na binaril ng isa sa mga suspek ang biktima na sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

Habangnaaresto naman sa follow-up operation ang isa sa mga suspek.

Itinanggi naman ng suspek, na umano’y may-ari ng motorsiklo, na may kinalaman siya sa pagnanakaw. Sinabi ng pulisya na ang suspek ay sangkot umano sa iba pang insidente ng pamamaril.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang suspek. RNT

Previous articleFarm-to-market roads iprayoridad – PBBM
Next articleHigit 100 patay, 150 sugatan sa sunog sa kasalan sa Iraq