Home NATIONWIDE Nanay binaunan ng bala sa bungo sa harap ng iskul ng anak

Nanay binaunan ng bala sa bungo sa harap ng iskul ng anak

MANILA, Philippines – Patay ang isang 38-anyos na babae nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo habang naghihintay sa paglabas ng kanyang ka-partner at anak sa paaralan sa Barangay Zone 3, Bangued, Abra.

Nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktimang si Catherine Aguilar nang dumating ang mga suspek at huminto sa harap ng paaralan at saka nagpaputok ng baril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima.

Sa tulong ng mga residente at sa kuha ng CCTV, naaresto ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

“Especially itong Zone 3, kasi may mga CCTV sila around sa barangay nila, which is very helpful sa pag-solve sa kasong ito. Nakuhanan natin kung anong kulay ng damit ng mga salarin at anong kulay ng motorsiklo na ginamit,” ani PMAJ Lorenz Paul Sinabi ni Claveria, Officer-in-Charge ng Bangued Police Station.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jomar Britanico Bayle, 40, ang umano’y gunman; at Dennis Viado Britanico, 21, ang driver. Parehong residente ng Langiden.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril.

Sinabi ng mga suspek na ginawa nila ang krimen para matigil ang umano’y aktibidad ng biktima sa iligal na droga.

Itinanggi naman ito ng pamilya ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang inihahanda ang mga kaso laban sa mga suspek. RNT