Home NATIONWIDE Nanay nanganak sa guho sa Syria, sanggol nasagip!

Nanay nanganak sa guho sa Syria, sanggol nasagip!

SYRIA – Nasagip ng mga residente ang isang bagong silang na sanggol na ipinanganak ng nanay nito habang nasa loob ng gumuhong gusali sa Jinderis, Syria.

Ayon sa mga kaanak at doktor nitong Martes, Pebrero 7, narinig na lamang ng mga residente ang iyak ng sanggol at nang hukayin nila ay doon na nakitang nakakabit pa sa ina ang pusod nito.

Sa kasawiang palad, namatay ang ina nito na si Afraa Abu Hadiya, at tanging ang babaeng sanggol lamang ang nakaligtas sa kanyang buong pamilya.

Nailigtas ang sanggol Lunes ng hapon, Pebrero 6, 10 oras makaraang tumama ang lindol.

Agad namang nadala sa ospital ang biktima at inilagay sa isang incubator kasabay ng paggamot sa mga pasa nito.

Ayon naman kay Dr. Hani Maarouf, gumamot sa sanggol, nasa stable nang kondisyon ang bata.

“Had the girl been left for an hour more, she would have died,” aniya.

Sa impormasyon, sa kasagsagan ng lindol ay sinubukan pa sana ni Abu Hadiya, asawa nito at apat na anak na makalabas ng gusaling tinitirhan ngunit bigla na lamang itong gumuho dahilan para matabunan ang mga ito.

“She was found in front of her mother’s legs,” sinabi pa ni Maarouf.

“After the dust and rocks were removed the girl was found alive.” RNT/JGC

Previous articleBATA NI GOV. NA ALYAS “JB” PINAIIMBESTIGAHAN?
Next articleMGA PROYEKTO NI JOY BELMONTE, PAWANG MAKATAO