Home METRO Nanay patay sa kaarawan ng anak

Nanay patay sa kaarawan ng anak

ARGAO, Cebu- HINDI inakala ng isang ina ang pagiging abala nito sa pag-aayos ng dekorasyon sa kaarawan ng kanyang anak ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan makaraan makuryente sa loob ng kanilang bahay nitong Miyerkoles sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Josephine Luchavez, 23-anyos at residente ng Brgy. Langtad, Argao.

Batay sa report ng Argao Police Station, bandang 8:00 AM ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, abala ang biktima sa pag-aayos ng dekorasyon para sa birthday celebration ng 4-anyos na anak na babae.

Dahil dito aksidenteng nahawakan ng biktima ang alambre na grounded at dumikit ang kanyang kamay dahilan para magkikisay ito.

Nagawa naman dalhin sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor./Mary Anne Sapico

Previous articleInterest rate ng BSP pinanatili pa rin
Next articleBadoy, Parlade guilty sa red-tagging – Ombudsman