Home METRO Nangangalakal, binaril-patay habang nagbibisikleta sa Maynila

Nangangalakal, binaril-patay habang nagbibisikleta sa Maynila

296
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pagpatay sa isang scavenger sa Tondo, Maynila nitong Huwebes, Hulyo 13.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, kinilala ang biktima na si Rogel Ilagan y Carbonell, 38, binata at residente sa Permanent Housing, Tondo.

Sa imbestigasyon ni PSMS Jason Ibasco, nagbibisikleta ang biktima nang walang sabi-sabing pinaputukan ng baril sa katawan hanggang sa bumagsak sa semento sa kahabaan ng eskinita ng Bldg. 16 ng Aroma Compound.

Nakilala ang gunman na si Jomel Mallari at alyas Pulpol, pawang mga residente ng Aroma Compound, Tondo, Maynila.

Nabatid na matapos barilin ni Jomel ang biktima ay pumasok ito sa isang bahay kung saan iniabot ang ginamit na baril kay Pulpol Bago tuluyang tumakas.

Patuloy naman ang imbestigasyon at follow up operation ng awtoridad para sa ikadarakip ng mga salarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleALAMIN: Pinakahuling impormasyon sa Tropical Depression Dodong
Next articleMister himas-rehas sa pagnanakaw ng manok panabong

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here