Home METRO Nanloob sa Cebu pawnshop ‘di NBI agents

Nanloob sa Cebu pawnshop ‘di NBI agents

CEBU CITY, Philippines – Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko na hindi nila mga empleyado ang mga salarin sa pagnanakaw sa isang pawnshop dito.

Ang paglilinaw ng NBI ay matapos mahuli ang dalawang suspek nang maharang ang get-away vehicle na kanilang ginamit sa Barangay Lamacan, bayan ng Sibonga dalawang araw matapos ang insidente.

Ang kanyang pahayag ay inilabas upang linawin ang isang ulat na apat o limang salarin ang nagpakilalang mga ahente ng NBI na maghahain ng warrant of arrest sa isang security guard bago ang pagnanakaw noong Sabado.

“Kakabalik lang namin sa lugar at nag-interview ng mga witness. None heard that they said the suspects are NBI [agents] or introduced themselves as such,” ani NBI-7 Director Patricio Bernales Jr. sa isang pahayag.

“Kapag nagsagawa ng operasyon ang NBI, lagi kaming may marka at bukod sa pagkilala sa aming sarili, kami ay nag-flash ng aming mga badge,” dagdag pa niya matapos na personal na bumisita sa Oro Sugbo Pawnshop and Jewelry sa kahabaan ng Colon Street para mag-imbestiga.

Noong Lunes ng umaga, sinabi ni Cebu City Police Office chief Col. Ireneo Dalogdog na inaresto ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek nang harangin nila ang sasakyan na ginamit ng mga salarin matapos pagnakawan ang Oro Sugbo noong Sabado.

“May nakita kaming mga baril, granada, at rifle grenade sa loob ng sasakyan. We placed them under police custody,” ani Dalogdog sa reporters.

Aniya, ang mga suspek ay nagmula sa bayan ng Argao, timog ng lalawigan ng Cebu. Santi Celario

Previous articleGr. 8 sinaksak ng nakaalitang Gr. 9 sa iskul sa Ilocos
Next articleDepEd nakapagtala ng 1,709 abuse reports mula sa mga estudyante