Home METRO Napikon sa basaan, muriatic acid pinang-resbak sa Wattah, Wattah fest

Napikon sa basaan, muriatic acid pinang-resbak sa Wattah, Wattah fest

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki dahil sa umano’y paghahagis ng muriatic acid sa tradisyonal na “basaan” sa pagdiriwang ng “Wattah Wattah” sa San Juan City.

Naaresto naman ang suspek at kinasuhan ng physical injury.

Base sa ulat, ang biktima ay nanonood lamang ng kasiyahan sa gilid.

“Nilublob ko yung mukha ko sa balde para maano lang yung hapdi at sakit ng mata ko. Medyo iba yung paningin ko parang medyo malabo,” ayon sa biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police na nagdala ang suspek ng muriatic acid dahil sa kanyang pagkaasar sa mga kalahok sa taunang pagdiriwang na nagdiriwang ng patron saint ng San Juan City na si Saint John the Baptist.

“Yung mga past years ng festival ay nababasa siya, nasasaktan. So parang naghanda na siya,” ani San Juan City Police chief Coronel Francis Allan Reglos.

Ngunit kalaunan ay nakalaya sa piyansa ang suspek, ani Reglos. Santi Celario