Home NATIONWIDE NAPOCOR uutang ng P10B sa Landbank bunsod ng mahal na presyo ng...

NAPOCOR uutang ng P10B sa Landbank bunsod ng mahal na presyo ng diesel

188
0

MANILA, Philippines – Plano ng National Power Corp. (Napocor) na humiram ng P10 bilyon sa Land Bank of the Philippines (LANDBANK) para mapanatiling tumatakbo ang Small Power Utilities Group (SPUG) nito sa harap ng mataas na presyo ng diesel.

Sinabi ni Fernando Martin Y. Roxas, pangulo ng Napocor, na pinaplano ng Napocor na humiram ng higit pa sa LANDBANK bukod pa sa P5 bilyong Napocor na nauna na nilang nakuha.

“We’re hoping na makuha ito by August or September this year. Sana sa Agosto ngayong taon,” ani Roxas sa mga mamamahayag sa isang energy conference.

Advertisement

Ang Napocor ay nagsisilbi sa mga malalayong lugar na hindi konektado sa grid sa pamamagitan ng SPUG, na pangunahing nagpapatakbo ng mga diesel power plant.

Sinabi niya na ang P10 bilyon ay tinatayang sapat para pondohan ang mga kinakailangan sa gasolina ng Napocor para sa natitirang bahagi ng taon.

Noong Marso, inihayag ng Napocor na hindi na nito itutuloy ang naunang plano na bawasan ang oras ng pagpapatakbo ng SPUG power plants nito bunsod ng sirit sa presyo ng diesel kasunod ng pagsiklab ng digmaang Russia-Ukraine. RNT

Previous articleRoque Verzosa itinalagang bagong LTO-NCR chief
Next articlePH outlook itinaas sa ‘stable,’ ‘BBB’ credit rating aprub din sa Fitch

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here