Home HOME BANNER STORY Nasa 2,000 katao apektado ng Super Typhoon Goring – NDRRMC

Nasa 2,000 katao apektado ng Super Typhoon Goring – NDRRMC

1096
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,968 indibidwal na mula sa Ilocos Region, at Cagayan Valley ang apektado ng Super Typhoon Goring.

Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga apektadong residente o 1,339 sa kanila ay mula sa Cagayan Valley.

Nasa 629 katao naman ang mula sa Ilocos Region.

Sa nasabing bilang, 832 katao o 213 pamilya ang inilipat na sa 24 na evacuatio centers dahil sa super typhoon.

Mayroon din na 265 katao o 78 pamilya ang tumutuloy sa mga lugar sa labas ng evacuation centers.

Sa ngayon ay nagdulot na ng P40 milyon halaga ng infrastructure damage ang bagyong Goring sa Cagayan Valley.

Sinabi rin ni NDRRMC spokesperson Edgar Posadas na lubog sa baha ang ilang lugar sa Ilocos Region at Cagayan Valley dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.

“But so far manageable pa naman, kasi wala pa kaming nare-receive na major reports or major requests for assistance,” sinabi ni Posadas sa panayam ng DZBB.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring naiuulat na nasawi dahil sa Super Typhoon Goring.

“We are still yet to receive the official reports from our regions on the details of the effects, but as of now no casualties are reported as of reporting time,” pagbabahagi niya. RNT/JGC

Previous articleVina, minaliit sa pagpasok sa Broadway!
Next articleDrayber na nanutok ng baril sa siklista sa viral video, sumuko na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here