MANILA, Philippines – Nasa 3,000 miyembro ng
Philippine National Police (PNP) na may kaanak na tatakbo sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang pansamantala munang inilipat ng trabaho.
May ilan din umanong pulis ang inilipat dahil sa kaugnayan nito sa ilang mga kandidato.
“With regards to the statistics on personnel who were transferred due to their most likely affiliations, aside from pagiging affinity by blood relations, they are those based on intelligence reports that are kapag talagang medyo may familiarity at naapektuhan or naimpluwensiyahang ‘yung election on the ground,” pahayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda.
“These are the personnel that were subjected for transfer, and as of this date, there are 2,956 that were transferred,” sinabi pa ni Acorda.
Bagama’t mayroong election ban sa appointment ng mga opisyal ng gobyerno at empleyado, wala naman umanong pumipigil sa PNP na maglipat ng mga tauhan na kailangang i-reassign dahil sa paparating na halalan.
Nitong Biyernes, sinabi ng PNP na nasa 249 na barangay ang tinukoy nilang nasa ilalim ng “red category” o area of concern.
Sa orange category naman ay mayroong 1,344 barangay ang nasa ilalim nito, habang 1,010 barangay ang tinukoy sa yellow category.
Nakatakda namang idaos ang BSKE sa Oktubre 30. RNT/JGC