MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 4,000 preso ang pinalaya na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Bureau of Corrections director general Gregorio Catapang Jr.
“Umabot na po siguro ng mga… more or less aabot ng 4000, sa panunungkulan ng ating mahal na pangulo,” pagbabahagi ni Catapang sa panayam ng TeleRadyo.
Nang matanong naman kung ano ang criteria na sinusunod ng BuCor sa pagpapalaya sa mga inmates o persons deprived of liberty (PDLs), ang sagot niya ay prayoridad nila ang mga kwalipikado sa parole, lalo na ang mga senior citizen at mga nakapagtala ng good conduct.
“Unang-una po, ‘pag puwede na pong i-parole — naserve na po ang kalahati ng haba ng kanilang pagkakakulong — tinitingnan kung puwede nang ipa-parole, lalo na kung may mga edad na po at matatanda na. At [those with] good conduct… talaga pong pinagsisisihan na at nagbagong buhay na po,” paliwanag ni Catapang.
Advertisement