Home HOME BANNER STORY Nasa 56 indibidwal patay sa suicide bombings sa Pakistan!

Nasa 56 indibidwal patay sa suicide bombings sa Pakistan!

Quetta, Pakistan- Binulabog ng suicide bombings ang dalawang religious ceremonies sa Pakistan nitong Biyernes, na kumitil sa hindi bababa sa 56 indibdiwal at nag-iwang sugatan sa iba pa sa pagdiriwang ng mga mananamba ng kaarawan ni Prophet Mohammad, ayon sa kapulisan at mga lokal na opisyal.

Nasa 52 indibidwal at 50 pa ang sugatan sa pagsabog sa isang religious procession sa Mastung district ng southwestern Balochistan province, ayon kay Assistant Commissioner Atta Ul Munim.

Makalipas ang ilang oras, panibagong pagsabog ang naitala sa Friday prayers sa isang mosque malapit sa Peshaway City sa northwestern Khyber Pakhtunkhwa province, na kumitil sa apat na inidibidwal at nag-iwan sa 11 na sugatan. Dahil sa pagsabog, gumuho ang bubong ng mosque, subalit hindi pa matukoy kung ilang indibidwal ang naiwan sa loob.

Wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa dalawang pagsabog, na naganap sa restive period sa Pakistan, sa gitna ng militant attacks bago ang general elections sa Enero.

Naganap ang unang pagsabog sa Mastung. Base sa video na ibinahagi ng lokal na residente,  dose-dosenang indibidwal ang nagtipon upang gunitain ang kaarawan ni Prophet Mohammad, bago ang malakas na pagsabog sa prusisyon.

Kinumpirma ni Ul Munim na isa itong suicide attack, at sinabing isang senior police officer – na nasawi sa pagsabog – ang target.

Inilipat ang mga kritikal na nasugatan sa mga ospital sa Quetta, habang ginagamot ang iba sa local hospital sa Mastung, aniya.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga biktima.

Mariing kinondena ni Pakistan’s caretaker Prime Minister Anwar-ul-Haq Kakar ang pag-atakae.

“The Prime Minister expressed his condolences to the families of those who died in the blast,” pahayag ng kanyang opisina. “Prime Minister’s prayers for forgiveness for the deceased and patience for the families.”

Samantala, naiulat ang ikalawang pagsabog sa Khyber Pakhtunkhwa province, makalipas lamang ang ilang oras. Sinabi ng mga pulis na dalawang lalaki sakay ng bisikleta ang nagsimulang magpaputok sa kanilang mga tauhan sa labas ng Hangu mosque, bago pasabugin ang buong gusali.

Isa sa mga umatake ang nagpasabog malapit sa pasukan ng mosque, habang pinasabog naman ng isa sa loob ng gusali ang bomba, ayon kay local police officer Saaleh Muhammad. RNT/SA

Previous articleMilitar nagbabala vs NGOs na ‘tumutulong’ sa CPP-NPA
Next article450 PDLs mula Manila nailipat na sa Palawan