Home NATIONWIDE Nasa likod ng recruitment ng Chinese sa PCG dapat panagutin – solon

Nasa likod ng recruitment ng Chinese sa PCG dapat panagutin – solon

(c) Remate News Central File Photo

MANILA, Philippines – Pinananagot ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa likod ng recruitment ng mga Chinese nationals bilang mga auxiliary members.

Ayon kay Acidre, malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa pag-recruit ng mga Chinese nationals sa harap na rin ng patuloy na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea.

“I’m sure there will be people who should be made accountable. It’s not what we can consider an honest mistake. I’m sure the concealment is something that’s malicious and that is a serious threat to national security,” pahayag ni Acidre sa isang press conference.

“It has been really alarming that in our country’s security forces, even if they say they’re just PCG Auxiliaries, ay napapasukan tayo” ani Acidre.

Giit pa ni Acidre na kahit auxiliary member ay pagsusuutin pa rin ng uniporme ang mga ito na tila insulto rin sa bansa.

Sa naganap na House hearing, una nang sinabi ng PCG na ang mga Chinese nationals na nakuha bilang auxiliary members ay na-delist na rin noong December 2023 dahil sa kawalan ng national security clearance.

Sinabi ni Acidre na hindi sapat na na-delist lang ang mga ito at dapat may managot sa insidente.

“I call on all the agencies that have auxiliary bodies or institutions like the PCG Auxiliary. I hope they look into the qualifications. I hope that this should be a lesson for us moving forward,” pagtatapso pa ni Acidre. Gail Mendoza

Previous articleDe Lima ipinababasura na natitirang drug case laban sa kanya
Next articleNFA warehouses ‘di naman dapat isara sa gitna ng imbestigasyon – Ombudsman