Home NATIONWIDE Nasamsam na 80,000 sako ng asukal ibinigay ng BOC sa DA

Nasamsam na 80,000 sako ng asukal ibinigay ng BOC sa DA

235
0

MANILA, Philippines – NAGBIGAY ang Bureau of Customs (BOC) ng 4,000 MT o 80,000 bags ng mga forfeited Thailand White Sugar sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglagda sa Deed of Donation and Acceptance, ngayong araw, Agosto 1, 2023.

Batay sa rekord, dumating ang mga nasabing asukal sa Port of Batangas noong Enero 12, 2023 sakay ng M/V Sunward nang walang kinakailangang Notice of Arrival. Dahil dito, ang Port of Batangas ay agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject na asukal at M/V Sunward, na kalaunan ay inutusang i-forfeit pabor sa gobyerno sa pamamagitan ng desisyon na may petsang Abril 14, 2023.

Ayon sa BOC, alinsunod sa Paragraph D.1 ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Memorandum Circular No. 4, Series 2022 – 2023 na nag-uutos: “[S]eized sugar with commercial value and capable of legitimate use may be disposed by the BOC through donation to government institutions”, ang Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), DA, at ang BOC ay pumasok sa isang Memorandum of Agreement.

Nabatid na nitong Hulyo 21, 2023 ay inaprubahan ng Kalihim ng Pananalapi ang iminungkahing donasyon ng 4,000 MT na pinong asukal sa DA habang ngayong Agosto 1, 2023 naman ay nilagdaan ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio at DA Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban ang Deed of Donation and Acceptance.

“I would like to express my heartfelt gratitude to the DOF, DA, and SRA for your invaluable contributions, guidance, and unwavering support to BOC, which made this donation possible. We firmly believe that, through DA, this donation will reach various local communities and enable our fellow Filipinos to conveniently access sugar,” mensahe ni Commissioner Rubio sa walang sawang suporta ng DOF, DA at SRA sa proseso ng donasyon. JAY Reyes

Previous articleFalcon umalis na ng Pinas
Next articleTeves ‘di pa rin uuwi ng Pinas kahit ideklarang terorista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here