epa10908919 People gather near the bodies of dead Palestinians at Al-Shifa hospital in Gaza City, 09 October 2023. The Israeli army announced on 09 October, it carried out over 500 strikes on targets across the Gaza Strip overnight. Palestinian officials said almost 500 people were killed, including 91 children, and over 2,700 were injured after Israel launched retaliatory raids and air strikes in the Palestinian enclave. An unprecedented attack on southern Israel on 07 October claimed by the Islamist movem
MANILA, Philippines – Tatlo na ang kumpirmadong patay sa pag-atake ng Hamas sa Israel.
“I regret to inform you that yes, it is confirmed there is a third Filipino casualty, a 49-year-old from Negros Occidental,” sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa Palace briefing.
Matatandaang nauna nang iniulat na nasawi sa pag-atake ng Hamas ang Pinay nurse sa Israel at ang 42-anyos na caregiver.
Kasalukuyan nang ipinoproseso ng pamahalaan ang pag-uuwi sa labi ng unang dalawang Filipino na nasawi sa kaguluhan sa nasabing bansa.
“Iyong isa I think inanunsyo na rin ng pamilya sa kanilang interview na cremation ang option. So iyong isa lamang ang aasikasuhin na labi na iuuwi,” ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa panayam ng GMA.
“Pino-process na po ito at hindi na rin po magtatagal ay makakauwi at least iyong isa nating mahal na OFW na nasawi,” dagdag pa niya.
Noong Sabado ay inilunsad ng Hamas ang pinakamalaking pag-atake sa Israel kung saan mahigit 1,000 katao ang nasawi.
Dahil dito ay gumanti ang Israel ng kabi-kabilang air strikes sa Gaza.
Inilagay na ng Pilipinas sa Alert Level 3 ang babala sa Israel mula sa naunang inanunsyo na Alert Level 2.
Mayroong 30,000 Filipino sa Israel na karamihan ay mga caregiver. RNT/JGC