Nasingil na P47 convenience fee, ibabalik ng Meralco

Nasingil na P47 convenience fee, ibabalik ng Meralco

May 21, 2020 @ 3:49 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ire-refund ng Meralco ang nasingil nitong online payment fee sa mga kostumer at humingi rin ito ng pasensya dahil hindi nila ito sinagot sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Ayon sa liham na ipinadala sa Department of Energy, sinabi ni Meralco President at CEO Reay Espinosa na hindi napunta sa Meralco ang P47 convenience fee na siningil nito. Ito ang siningil aniya ng online payment app na PayMaya.

 

May convenience fee na sinisingil kapag gagamitin ang Meralco app.

 

“I sincerely apologize for this lapse. Meralco will shoulder the convenience fee charged during the aforesaid ECQ period and refund the customers the fees they paid during this period,” ayon kay Espinosa.

 

“I wish to assure you that we shall be more sensitive in the future and shall be ever mindful of the best interest and well-being of our customers,” giit pa nito. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...