Home METRO Nasiraang chemical tanker vessel binabantayan ng PCG

Nasiraang chemical tanker vessel binabantayan ng PCG

MANILA, Philippines- Binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang chemical tanker na nasiraan sa karagatan ng Basic, Ilocos Norte.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng engine trouble ang MT Rich dahilan para tumigil ito sa nasabing baybayin.

Sakay ng barko ang 16 crew na humiling ng rescue.

Napag-alaman na masama ang panahon nang masiraan ang barko.

“Monitoring a chemical tanker MT Rich in distress at the vicinity of Badoc, Ilocos, Norte. Engine trouble and the 16 crew are requesting for rescue. Medyo masama yung panahon,” ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBawas-presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes
Next articleKontribusyon ng mga Pinoy sa economic dev’t ng Hawaii pinuri ni PBBM