Home METRO ‘National Baptist Day’ idineklara sa Pasay

‘National Baptist Day’ idineklara sa Pasay

119
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Pasay ang resolusyon na nagdedeklara ng isang Special Working Holiday ang tuwing ikalawang Huwebes ng Enero sa bawat taon bilang National Baptist Day upang mabigyan ng rekognisyon ang mga nagawang kontribusyon ng Baptist Church sa lungsod.

Ipinasa ng City Council ang Resolution No. 6335, S-203 at nilagdaan ni City Mayor Imelda “Emi” G. Calixto-Rubiano nitong Enero 30 na nagpapatibay ng Republic Act No. 11897.

Ang inaprubahang resolusyon ay ininilatag ni Vice Mayor Waldetrudes S. Del Rosario at inisposoran naman ng mga konsehal na sina Mark Anthony A. Calixto, Mary Grace Santos, Malon A. Pesebre, Ma. Antonia C. Cuneta, Abraham Albert Q. Alvina, Ricardo E. Santos, Jose C. Isidro Jr., Editha Y. Manguerra, Donnabel M. Vendivel, Jennifer D. Panaligan, King Marlon A. Magat, Angelo Nicol P. Arceo, Julie G. Gonzales, at Jose Miguel A. Mañez.

“Whereas, the City recognizes the contributions of the Baptist Churches in the City, particularly with their efforts in maintaining lasting peace as well as giving people a sense of fulfillment and purpose in their fellowship through spiritual development of the faithful,” nakasaad sa resolusyon.

Nakasaad din sa resolusyon na kinikilala at sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang Baptist Churches para sa patuloy na pagtataguyod ng kanilang evangelical mission na magbibigay kontribusyon sa nation-building sa pamamagitan ng paghahayag, pagtuturo, at pamamahagi ng biblical principles para sa ikabubuti ng lipunan.

Samantala, pinuri naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga Baptist Churches sa lungsod dahil sa kanilang pagbibigay ng serbisyong ispiritwal at pagtuturo ng Kristyanismo sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan, eskwelahan, komunidad at sa mga persons deprived of liberty o PDL.

Binigyan din ni Calixto-Rubiano ng pagpapahalaga ang makabuluhang tungkulin ng Baptist Churches sa pagbubuo ng ispiritwal na pundasyon sa mga Pasayeños.

“Resolved moreover, that the City of Pasay through the Office of the City Mayor in coordination with other offices or personnel as may be deputized by the Local Chief Executive shall promote and implement the citywide celebration of the National Baptist Day annually,” nakasaad pa sa inaprubahang resolusyon. James I. Catapusan

Previous articleBuhos ng investment mula Japan, ipinangako ni Romualdez sa PBBM trip
Next article2 suspek at misis, pinagbabaril patay