Home NATIONWIDE National status target para sa EDSA shrine

National status target para sa EDSA shrine

MANILA, Philippines – Maaring maging isang “national shrine” ang EDSA Shrine na kilala rin bilang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace—isang makasaysayang palatandaan ng paggunita sa bloodless revolution na nagpabagsak sa rehimeng Marcos noong 1986.

Nagpahayag ng pag-asa si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Bishop Pablo Virgilio David para sa national status ng Dambana sa isang Misa na idinaos noong Pebrero 25 — ang ika- 38th anibersaryo ng People Power Revolution.

“Why not?” sabi ni David sa isang pahayag na inilabas ng CBCP nitong Lunes.

“EDSA Shrine is not just a shrine for the Archdiocese of Manila, but of the entire Philippines,” dagdag pa.

Samantala, ang pahayag na ito ay tinanggap ni EDSA Shrine Rector Fr. Jerome Secillano, na nagsiwalat na ang dambana ay “matagal nang binalak” na humingi ng pambansang pagkilala.

“We are grateful with (David’s) statement that the EDSA Shrine can become a national shrine,” sabi ng pari.

Sa kasalukuyan, inuri ito ni Secillano bilang isang “archdiocesan shrine” mula nang itatag ito noong 1989.

Ang CBCP ang nangangasiwa sa pagtatalaga bilang pambansang dambana at ang kanilang pag-apruba ay mahalaga para sa proseso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleEx-parak hinatulang guilty sa homicide sa Jemboy Baltazar case
Next articleEx-konsi sa Batangas nakaligtas matapos paulanan ng bala