Home HOME BANNER STORY Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Marso 25

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Marso 25

MANILA, Philippines- Magsasagawa ng nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa unang quarter ng 2024 sa March 25, araw ng Lunes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes.

Magsisimula ang NSED, na pangungunahan ng NDRRMC partikular ng OCD, ng alas-9 ng umaga.

Sa nasabing drill, hinihikayat ang publikong isagawa ang “duck, cover, and hold” position pagtunog ng alarm.

Magsasagawa rin ang mga awtoridad ng ilang scenario tulad ng rescues at evacuations kung saan sasanayin ang disaster response techniques.

Pinaiiral ang NSED kada quarter upang isulong ang kahandaan ng publiko. RNT/SA

Previous articleGluta drip session ni Mariel sa Senado sinita ni Binay
Next articleJose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M-4.5 quake