Home METRO Navotas hospital naghandog ng libreng dialysis sessions

Navotas hospital naghandog ng libreng dialysis sessions

MANILA, Philippines- Naglaan ang Navotas City Hospital ng mas malaking kapasidad para magbigay ng libreng dialysis treatment kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machines.

Pinangunahan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at city council ang pagbabasbas ng dialysis units sa NCH.

Mula sa 15, ang city hospital ay kaya nang tumanggap ng 21 sessions kada araw para sa non-infectious na mga pasyente. Isang machine o tatlong sessions ang nakalaan para sa mga may infectious diseases.

“We seek to provide the best possible medical services that’s why we also strive to keep our equipment and facilities in top shape,” ani Mayor Tiangco.

“However, more than giving them these services, we want Navoteños to take good care of their health to avoid contracting lifestyle diseases and undergoing treatments,” dagdag ng alkalde.

Ang  Philhealth members naman ay maaaring makakuha ng hanggang 156 libreng hemodialysis sessions kada taon. Bago pa man umabot sa nabanggit na limit, ang Navoteño patients ay itinatala o ini-enroll sa national at local medical assistance programs upang makatulong sa P2,600 halaga kada session.

Makakukuha ang mga pasyente ng two-three dialysis treatment kada linggo.

Upang mapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo, ang pasyente ay dapat natingnan o nacheck-up ng nephrologist o internal medicine physician on duty at nabigyan ng kaalaman sa dialysis treatment protocols, polisiya ng gamutan, iskedyul ng gamutan at iba pa.

Ang hemodialysis unit ng NCH ay unang binuksan sa publiko taong 2017. R.A Marquez

Previous articleOil price rollback inaasahan sa pagtatapos ng Pebrero
Next articleCSC sa gov’t agencies: Flexi work schemes pairalin vs mabigat na trapiko sa NCR