Home METRO Navotas nanguna sa sports, solid waste management programs

Navotas nanguna sa sports, solid waste management programs

MANILA, Philippines – NILAGDAAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding (MOU) kasama ang University of Sto. Tomas (UST) bilang katuwang upang isulong ang sports training sa mga batang Navoteños.

Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita Apolonia, IPEA SIMBAHAYAN Coordinator, ang kumatawan sa UST.

Sa ilalim ng MOU, ang UST ay maglulunsad ng libreng community sports training and development tuwing Sabado hanggang matapos ang kasunduan sa July 2026.

Pagsasanay sa basketball, volleyball, football, swimming, taekwondo, at pagsasayaw ay bukas sa mga baguhang atleta edad 9-18.

Ayon sa MOU, ang UST ang maglalaan ng mga magsasanay at magtuturo ng mga sports equipment at kagamitan sa buong aktibidad. Ang pamahalaang lungsod ang maghahanda ng lugar at mangangasiwa sa online registration at screening ng mga lalahok kada barangay.

“We have seen how capable and talented Navoteño youth are in sports and athletics. The awards, competition championships, and 109 athletic scholars of the city are proof of this,” ani Mayor Tiangco.

“We thank UST for partnering with us and helping us provide more opportunities for our youth athletes to grow and excel in their fields,” dagdag ng alkalde.

Palalakasin ng pamahalaang Navotas ang ecological solid waste management (ESWM) program kasunod ng paglagda sa memorandum of agreement sa Mother Earth Foundation (MEF) at ng Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR).

Si Mayor Tiangco, kasama sina Atty. Michael Drake Matias, Regional Director ng DENR EMB-NCR, at Ms. Sonia Mendoza, Chairperson ng MEF, sng lumagda sa MOA.

Pamumunuan ng MEF ang implementasyon ng ESWM program sa 18 barangays at maglulunsad ng mga pagsasanay bilang paghahanda sa 10-year Solid Waste Management Plan.

Magtatalaga ang lungsod ng tao na tutulong sa MEF at tutulong sa mga ahensya.

“Navotas is our home. It is our shared responsibility to ensure that our city remains clean and the next generations of Navoteños will enjoy a healthy and ecologically-balanced environment,” paliwanag ni Tiangco.

Dumalo sa seremonya sina Sonia Roco, Trustees of MEF; Kathryn Ann Hilario, Navotas City Youth Development Officer; at Ms. Yzabela Bernardina Nazal-Habunal, Officer-in-Charge ng City Environment and Natural Resources Office. R.A Marquez

Previous articlePANOORIN: Gulong ng sasakyan ng nakaalitan, binutas ng rider
Next articleRBH7, SMNI franchise revocation bill ipinadala na ng Kamara sa Senado