Home METRO Navotas Youth Camp

Navotas Youth Camp

MANILA, Philippines – Alinsunod sa ika-17 anibersaryo ng Navotas cityhood, isinagawa ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang maging masaya ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining.

Aabot sa 477 Navoteño na may edad 10–19 ang nagsanay sa iba’t ibang sports habang 150 ang nagpasyang matuto ng sining.

Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok dahil sa kanilang pagsusumikap sa kanilang school break. Jojo Rabulan