Home NATIONWIDE Nawalan ng tirahan sa Syria quake, posibleng umabot ng 5.3M – UN

Nawalan ng tirahan sa Syria quake, posibleng umabot ng 5.3M – UN

124
0

SYRIA – Posibleng umabot sa 5.3 milyon katao sa Syria ang nawalan ng tirahan kasunod ng nangyaring magnitude 7.8 na lindol, sinabi ng isang opisyal mula sa United Nations nitong Biyernes, Pebrero 10.

“As many as 5.3 million people in Syria may have been left homeless by the earthquake,” ayon kay Syria representative ng UN High Commissioner for Refugees, Sivanka Dhanapala, sa isang press briefing.

Ani Dhanapala, nasa 5.37 milyon katao ang apektado ng lindol na nangangailangan ng shelter assistance sa buong bansa.

“That is a huge number and comes to a population already suffering mass displacement,” aniya.

“For Syria, this is a crisis within a crisis. We’ve had economic shocks, Covid and are now in the depths of winter.”

Kasunod ng lindol, dumagsa ang mga survivor sa mga kampo na nauna nang itinayo dahil sa giyera sa ilang parte ng Syria.

Karamihan sa mga ito ay nawalan ng tirahan o kaya naman ay takot nang bumalik pa sa kanilang mga napinsalang gusali.

Sa Syria, ayon sa health ministry ng nasabing bansa, umabot na sa mahigit 3,300 ang nasawi dahil sa lindol na tumama noong Lunes, Pebrero 6. RNT/JGC

Previous articleTIWALING ENFORCERS PABOR SA SINGLE TICKETING SYSTEM?
Next articleALL SC soon be exempted from paying income tax