Home NATIONWIDE Nawawalang case folders ng mga iniimbestigahang pulis, nahanap na – PNP

Nawawalang case folders ng mga iniimbestigahang pulis, nahanap na – PNP

MANILA, Philippines – Nahanap na ang mga nawawalang case folders ng ilang pulis na “under investigation” sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Enero 16.

“Nahanap na po iyong mga cases na po ito. Katulad ng sinabi ko, clinarify po nila na as of now wala pong nawawalang case folder,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa press briefing.

Kamakailan ay inihayag ni NCRPO chief Police Major General Melencio Nartatez Jr. na nawawala ang case folders ng ilang mga pulis na iniimbestigahan sa kasong administratibo.

“Hindi lang nawawala, nadi-delay or tinutulugan. Imbes na for dismissal siya is maging suspension lang in cahoots and/or connivance with the drafter ng isang resolution and or nag conduct ng summary dismissal proceedings,” sinabi ni Nartatez.

Iniimbestigahan din nila ang insidente, kabilang ang mga posibleng sangkot sa pagkawala ng mga ito at pakikipag-sabwatan sa pulis.

Nitong Lunes, ipinag-utos ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa ilang regional units na suriin ang kanilang mga rekord.

“I am encouraging all other regions to review and check under system or in their records kung may similar incidents,” ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa press conference sa Camp Crame.

“We are assuming mayroon din sa ibang region,” dagdag pa niya.

Ani Acorda, lubhang nakakaalarma ang insidente sa NCRPO.

“Definitely, alarming iyon because part of our focus agenda is integrity enhancement and kasama diyan ang cleansing natin and imposing the right penalty. If there are things that affect No.3 item natin sa five focus agenda, we will give special attention to that.” RNT/JGC

Previous articleQCPD muling humingi ng tawad sa leaked video ni Ronaldo Valdez
Next articleInt’l shrine status target maabot ng Padre Pio shrine sa Batangas