Home METRO Nazareno planong ilagay sa loob ng glass case sa Traslacion

Nazareno planong ilagay sa loob ng glass case sa Traslacion

MANILA, Philippines – Plano ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9.

Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr., na umabot ng halos 22 milyon ang dumagsa noong nakaraan kaya asahan aniyang mas higit pa ang daragsa sa Enero.

Ang paghahanda ng komite ay upang maprotektahan ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa pagkasira sa pamamagitan ng paglalagay ng kahon na salamin o glass case sa palibot nito, ngunit nakalitaw ang bahagi ng krus sa labas para sa mga nagnanais pa rin na makahawak.

“Iwas akyat ang mga tao o sumampa sa andas natatakpan kasi si Hesus. Historically noon wala namang umakyat o sumasampa. Gusto rin namin ligtas ang prusisyon tendency maapakan tulakan praktikal na dahilan. Maiwasan madumog masira ang imahen,” dagdag ni Father Madrid.

Iniinspeksyon na rin ng komite ang ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church para sa mga nakalaylay na kable, sanga ng puno at bukas na mga manhole.

Samantala, magsasagawa ng “Pahalik” ang Simbahan ng Quiapo sa Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 9 matapos ang misa ng alas-6 ng gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCruise ship na may higit 1K foreign tourists dumaong sa Coron
Next articleBiyaheng Legazpi-Naga ng PNR, nagsimula na