NBA papasyal sa Disneyland

NBA papasyal sa Disneyland

May 24, 2020 @ 10:40 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

NBA – Kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang National Basketball Association (NBA) sa Walt Disney Company upang gawin sa Central Florida sa July ang kanilang pagbabalik laro matapos masara ng ilang buwan dahil sa coronavirus pandemic.

Kasama sa pakikipag-usap ang NBA players association, sinabi ng liga na gagawin ang laro sa ESPN Wide World of Sports Complex, isang nakapakalaking campus na loob ng property ng Disney malapit sa Orlando.

Inamin ni NBA spokesman Mike Bass na ang pag-uusap ay hindi pa tapos dahil gagamitin ding lugar ang Disney para sa practice venue at pansamantalang tirahan ng mga manlalaro at crew.

“Our priority continues to be the health and safety of all involved, and we are working with public health experts and government officials on a comprehensive set of guidelines to ensure that appropriate medical protocols and protections are in place,” ani Bass.

Ayon sa ulat, ang ESPN Wide World of Sports Complex ay may sukat na 255 hektarya na campus na maraming lugar  na pwedeng mag-host ng games ng sabay-sabay at naging tahanan din ng Jr. NBA World Championship nitong nakaraang mga taon habang ang ESPN naman ay ang broadcast partners ng NBA na pag-aari ng Disney.

Nagsimula ang suspensyon ng NBA season noong March 11 matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang sa  mga All-Star player ng NBA.

Ayon sa insider, ang pakikipag-usap ng NBA sa Disney ay isang malinaw na palatandaan ng muling pagbubukas liga. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...