Home SPORTS NBA: Wembanyama hindi lalaro vs Bucks 

NBA: Wembanyama hindi lalaro vs Bucks 

Maghihintay pa ang mga fan para masaksihan ang paghaharap nina Victor Wembanyama at Giannis Antetokounmpo  matapos sabihin ng San Antonio Spurs na ang kanilang sensational na rookie ay hindi makakalaro sa NBA game nitong Miyerkules laban sa Milwaukee Bucks dahil sa pananakit ng kanang bukung-bukong.

Nakalista si Wembanyama bilang “out” para sa laro ngayong Miyerkules sa ulat ng injury ng Spurs noong Lunes.

Iniulat ng ESPN na ang 19-taong-gulang na French star, na siyang No. 1 draft pick ng NBA draft, ay hindi inaasahang magtatagal sa pamamahinga. 

 Bibisitahin ng Spurs ang Chicago Bulls sa Biyernes at ang Dallas Mavericks sa Linggo.

Umiskor si Wembanyama ng 17 puntos na may 13 rebounds, apat na assists at apat na blocked shot sa loob ng 31 minuto sa pagkatalo ng San Antonio sa New Orleans Pelicans noong Linggo.  

Mamarkahan ang Miyerkules ang ikalawang laro na hindi nakuha ni Wembanyama ngayong season.  

Naupo siya sa isang laro laban sa Pelicans noong Disyembre 1 na may paninikip sa kanyang kanang balakang.JC 

Previous articleALAMIN: Adjusted operating hours ng mga tren ngayong holiday season
Next article18 kawani ng munisipyo, adik!