Home METRO NBI building sa Ermita nasunog!

NBI building sa Ermita nasunog!

MANILA, Philippines- Nagliyab ang gusali ng National Bureau of Investigation (NBI) sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na itinaas ang sunog sa first alarm bandang alas-6:48 ng gabi.

Umakyat ito sa second alarm pagtuntong ng alas-6:59 ng gabi at tuluyang natupok pagsapit ng alas-7:47 ng gabi.

Base sa Manila Fire District Intelligence and Investigation section, nagmula ang sunog sa rubbish fire, subalit inaalam pa ang eksaktong mitsa nito.

Walang naiulat na nasawi o sugatan sa insidente. RNT/SA

Previous articleUnang batch ng Pinoy repats galing Gaza nakauwi na sa Pinas
Next articlePaggamit ng Tsina ng water cannon vs PH resupply boat kinondena