MANILA, Philippines – Personal na humingi ng tawad si National Bureau of Investigation director Medardo De Lemos sa “sexy dance” performance sa harap ng mga opisyal ng NBI sa command conference noong Hunyo 30.
Ani De Lemos, ang insidente ay under investigation na upang malaman kung sino ang nagdala ng mga sexy dancer sa post-conference fellowship.
“Kung naging offensive man ang pagsasayaw na ito after the command conference sa sensibilities ng ating mamamaya lalo na ang mga kababaihan, humihingi po kami ng paumanhin,” aniya.
Inaalam na rin umano ng NBI kung sino ang pumayag na makapag-perform ang mga dancer sa naturang event.
“Aalamin natin kung sino ang dapat managot sa pagkakamali na ito. We will never tolerate indecency in the agency,” ani De Lemos.
“We will not hesitate to dismiss if dismisal is the penalty,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ng Department of Justice na iimbestigahan nito ang intermission dance number na naganap umano sa conference ng National Bureau of Investigation (NBI).
“Definitely, we do not like this to happen, no. We will investigate it also,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“These are the forms of misbehavior that we don’t need in the country,” dagdag niya. RNT/JGC