Home NATIONWIDE NBI wala pang natatanggap na request ng imbestigasyon sa Cha-cha signature issue

NBI wala pang natatanggap na request ng imbestigasyon sa Cha-cha signature issue

MANILA, Philippines- Hindi pa nakakatanggap ng kahilingan ang National Bureau of Investigation (NBI) upang talupan ang umano’y signature buying para sa people’s initiative sa Charter Change (Cha-Cha).

Ayon kay NBI Director Medardo de Lemos, nais ng NBI na umiwas sa mga bagay o usapin na may pampulitikang layunin.

Nauna nang nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel sa NBI na imbestigahan ang umano’y pagbabayad ng P100 para sa lagda para sa people’s initiative.

“We limit ourselves to criminal activities. Kapag mga ganon naman—not unless we receive a directive from higher authorities. Ayaw ng agency na makukulayan ng politika,” ayon kay de Lemos.

Nauna na ring sinabi ng Department of Justice na namamahala sa NBI, na maghihintay sila ng pormal na liham o ebidensya bago imbestigahan ang umano’y pagbili ng mga pirma.

Samantala, ayon sa NBI, lumagda si de Lemos ng deed of donation kasama ang German Federal Police Liaison Office (BKA) ng German Embassy of the Federal Republic of Germany.

Iba’t ibang items din ang ibinigay na donasyon ng BKA sa NBI tulad ng laptops, desktop scanners, printers, desktops, anti-virus units, at operating systems bukod sa iba pa.

Magbibigay din ng body cams, drones, scooters ang BKA sa NBI sa Setyembre 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEx-Makati mayor inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation
Next articlePura Luka, pumanig kay Toni Fowler!