MANILA, Philippines- Nakatakdang bumuo ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng inter-agency task force para sa pagsasaayos ng nasunog na Manila Central Post Office (MCPO), ayon sa opisyal nitong Huwebes.
Tinaguriang Inter-Agency Task Force on Cultural Heritage, sinabi ni NCCA Executive Director Oscar Casaysay na tinalakay ng Board of Commissioners ng ahensya nitong Miyerkules ang paglikha ng specialized task force.
Pamumunuan ang nasabing task force ni NCCA chairperson and National Archive Director Victorino Mapa Manalo, ng National Historical Commission of the Philippines, National Museum, at ng postmaster general ng Philippine Postal Corporation.
Nagliyab ang basement ng unang postal office ng Manila nitong Linggo na naapula pagsapit ng Martes, alas-6:33 ng umaga.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sugatan ang 18 indibidwal, karamihan ay mga bumbero, sa insidente, habang ang tinatayang pinsala ay nasa P300 milyon.
Para sa pagsasaayos nito, sinabi ni Casaysay na hinihintay pa ng NCCA ang comprehensive assessment ng BFP para sa structural integrity nito.
Advertisement
Advertisement