Home METRO NCR COVID-19 positivity rate, humupa

NCR COVID-19 positivity rate, humupa

358
0

MANILA, Philippines- Bumaba ang COVID-19 positivity rate ng Metro Manila sa 21 porsyento nitong nakaraang Linggo, mula sa 25 porsyento, ayon kay Octa Research fellow Guido David nitong Martes.

“The reproduction number decreased to 0.97 or less than 1 as of May 26,” aniya sa Twitter.

Subalit, bahagyang tumaas ang hospital occupancy mula sa 28 sa 29 porsyento.

Sa pagbaba ng impeksyon sa Metro Manila, nagkaroon naman ng pagtaas sa ilang lugar sa  Luzon, kung saan 10 sa 18 namonitor na lugar ang nakapag-ulat ng pagsirit ng kaso, base kay David.

Tumalon ang positivity rate sa Oriental Mindoro mula 33 porsyento sa 55 porsyento sa pagitan ng May 26 at May 27, 2023.

Naobserbahan din ang pagtaas ng porsyento sa Bataan (21 to 38 percent), Tarlac (15 to 21 percent), at Cagayan (21 to 27 percent), maging sa Isabela (67 to 46  percent), Laguna (35 to 29 percent), at Batangas (36 to 30 percent).

“Positivity rates decreased in Batangas, Bulacan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Rizal and Zambales. Positivity rates remained high in most of Luzon,” ani David.

Nitong May 29, 2023, bahagyang bumaba ang national COVID-19 positivity sa 22 porsyento, sa pagtatala ng Department of Health ng 1,385 bagong kaso.

“Projection of cases for [Wednesday]… (is) 800 to 900,” pahayag ni David.

Hanggang nitong May 29, base sa COVID-19 tracker ng DOH, ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay 4,140,680, kung saan 15,621 ang active cases, 4,058,593 ang gumaling, at 66,466 nasawi.

Nauna nang ipinaliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagbaba sa bilang ng impeksyon ay inaasahan dahil sa mas mababang bilang ng tests. RNT/SA

Previous article18 biyahe, kanselado sa hagupit ni ‘Betty’
Next articlePaglilinis ng oil spill sa OrMin, patuloy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here