MANILA, Philippines- Bahagyang bumaba ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David nitong Linggo.
Sa Twitter, inihayag ni David na bumaba ang National Capital Region (NCR) positivity rate mula June 3 mula sa 18.6 porsyento sa 18.1 porsyento nitong June 4.
“DOH reported 1272 new cases, 0 deaths, 1862 recoveries, and 13808 active cases,” aniya.
Samantala, tinataya ng OCTA ang 1000–1200 bagong kaso ngayong Lunes. RNT/SA