Home NATIONWIDE NCR may pinakamabagal na travel time kumpara sa 55 bansa – study

NCR may pinakamabagal na travel time kumpara sa 55 bansa – study

MANILA, Philippines – Ang National Capital Region ang may pinakamabagal na travel time sa 387 metropolitan areas sa 55 bansa.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng TomTom, isang Dutch navigation at digital mapping group.

Ayon sa 2023 TomTom study, tumatagal ng 25 minuto at 30 segundo ang pagmamaneho ng sasakyan sa 10 kilometro sa metro area sa palibot ng Maynila.

“The data suggests that the average time it took to travel 10 kilometers increased by 50 seconds,” ayon sa TomTom.

Samantala, ang sentro ng Lungsod ng Maynila ay pumwesto sa pang-9 sa buong Mundo pagdating sa haba ng travel time.

Sinabi ng data na ang “average time” para sa byahe sa 10 kilometro sa sentro ng Lungsod ng Maynila ay tumaas ng 20 segundo, naging 27 minuto hanggang 20 segundo.

“Travel times and speeds are based on worldwide trip data spanning 551 billion (109) km anonymously collected during the year from drivers within the larger metropolitan area (“metro”) or a 5 km radius from the center (“city center”) throughout the complete road network — including fast roads and highways crossing this area,” ang paliwanag ng TomTom sa pag-aaral nito.

Sinabi pa na kabilang sa rush hour periods sa Kalakhang Maynila ay ang araw ng Biyernes, pinakamalala ang mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 na gabi.

“Driving 10 kilometers took an average of 35 minutes and 30 seconds,” paliwanag nito. Kris Jose

Previous articlePBBM: Maharlika fund post tinanggihan ni Diokno
Next articleCastro sa ibinasurang kaso vs Digong: Hustisya parang pinagkait sa’kin