Home OPINION NCRPO: AGINALDO PARA SA UMAASA SA MGA KA-‘SERBISYO’

NCRPO: AGINALDO PARA SA UMAASA SA MGA KA-‘SERBISYO’

SIGURADONG matatanim sa puso’t isipan ng mga pamilyang umaasa sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology ang pagbibigay halaga sa kanila ng mga ‘serbisyo publiko’ sa naganap na ‘gift-giving activity’ sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Sabado ng umaga.

Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government Secretary Atty Benjamin Abalos Jr. ang aktibidad kasama sina Philippine National Police chief PGen Benjamin Acorda Jr., Bureau of Fire Protection chief F/Dir Louie Puracan, Bureau of Jail Management and Penology chief J/Dir Ruel Rivera at NCRPO director PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Hindi nga  kasi aakalain ng mga pamilya at kamag-anak nitong mga nasawing unipormadong tauhan ng PNP, BFP at BJMP na maaalala at mahalaga pa sila sa ahensiyang pinagsilbihan ng kanilang mga mahal na namayapa na.

Dito makikita ang katangiang sumasalamin sa kasalukuyang pamunuan lalo na ng DILG sapagkat ito ay pagpapakita nang pagpapahalaga at pagmamahal sa kapwa lalo na ngayong darating na “Kapaskuhan”.

Kaya naman tiniyak ng mga nagpatupad ng programa lalo na ng NCRPO na ang ‘Pamaskong Handog’ sa pamilyang naulila ay magiging isang kanais-nais at masayang karanasan hindi lang dahil sa tinanggap nilang regalo subalit mas higit ang pagpapadama sa kanila ng init at alab ng pagmamahal ng mga nasa serbisyo na nakasama ng kanilang mga namapayang kapamilya o mahal sa buhay.

Talaga namang tuwang-tuwa ang mga pamilyang nakatanggap ng gift packs at stuff toys. Umabot sa 200 katao ang dumalo nang face to face sa ginanap na gift-giving habang 537 naman ang nakiisa sa pamamagitan ng virtual meet.

Nakatutuwa lang na ang programang ito ng NCRPO na naging katuwang ang DILG at mga ahensiya nitong nagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa sambayanan sapagkat isang hakbang ito upang mas lalong palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at komunidad na isa sa 7 point agenda ni Gen. Nartatez.

Nagpasalamat sina Abalos, Acorda, Puracan, Rivera lalo na si Nartatez sa mga tumulong upang maging matagumpay ang kanilang pagpapasaya sa mga naulila ng mga dating nasa serbisyo ng PNP, BFP at BJMP.

Hindi talaga maitatatwa na malaki ang ‘impact’ ng mga ginagawa ni Nartatez, kilala sa tawag na “Tateng” sapagkat ang kanyang mga proyekto ay talaga namang makabuluhan at tumitimo sa puso ng mamamayan.

Lamang, ang kasalukuyang hepe ng NCRPO ay hindi mahilig sa media mileage at lalong hindi niya ipinagyayabang ang kanyang mga nagagawa kung kaya ilang mamamahayag lang ang nakapagko-cover ng mga aktibidad na kanyang ginagawa.

Isang halimbawa na ang kanyang inilunsad na “Oplan Bantay Kalusugan” kung saaan dahil mahalaga sa kanya ang kalusugan ng kanyang mga tauhan ay kaagad niyang ipina-monitor ang kalagayan ng mga ito lalo na nang mabatid na halos mahigit 7,000 ang overweight o ‘obese’.

Kaagad na inatasan niya ang Regional Medical and Dental Unit – NCRPO na magplano ng mga paraan upang magbawas ng timbang ang mga pulis ng NCRPO subalit iyon naman ay hindi biglaan. Unti-unting pagbawas sa timbang at pagmonitor ng kalusugan ng mga ito, pisikal, mental at emosyonal, ang unang naging concern ng butihing opisyal.

Hindi ba ito ay isang magandang Pamasko na rin sa kanyang mga tao? Ang mabatid lang ng mga ito na ‘concern’ ang kanilang hepe ay sapat na, subalit mas lalong mapamamahal si Tateng sa kanyang mga pulis dahil aksyon ang ipinakikita nito at hindi ‘salita’.

Hindi ipinagyayabang ng heneral na ito mula sa Philippine Military Academy “Tanglaw-Diwa” Class ’92 ang kanyang mga nagawa at mas lalong hindi ibinabando sa mga dyaryo nagkataon lang na may mga kaibigan siyang nakaaalam ng kanyang mga programa at plano.

 

Previous articlePSC Chief, optimistiko sa BP-PNG  
Next articleBATAS AT KATARUNGAN