Home OPINION NCRPO RD KASAMA NG PNP CHIEF SA ‘SERBISYONG NAGKAKAISA’

NCRPO RD KASAMA NG PNP CHIEF SA ‘SERBISYONG NAGKAKAISA’

SA isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa National Capital Region Police Office kung saan ang guest of honor and speaker ay ang chief ng Philippine National Police na si PGen Benjamin Acorda, iginawad ang “Heroes Honor” sa 298 miyembro ng regional mobile force battalion na pawang nagsilbing contingents sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslin Mindanao.

Katulad nang pagsalubong na iginawad  noong Huwebes sa mga miyembro ng NCRPO-RMFB ng regional director ng NCRPO na si PBGen Jose Melencio Nartatez Jr., mainit din ang ginawang pagtanggap ni Acorda sa mga pulis na buong giting na tumupad sa kanilang tungkulin bagaman labas na ito sa kanilang teritoryo- ang NCR.

Kaya naman sa pangunguna ni PCol Hector Grijaldo, contingent commander, tinanggap ng 298 miyembro ng NCRPO-RMFB ang ‘Medalya ng Kagalingan’ o PNP Medal of Merit. Kabilang sa 298 na contingents ang 3 babaeng miyembro ng RMFB.

Sabi nga ni Nartatez noong Huwebes sa pagsalubong sa kanila at pagbibigay ng ‘Heroes Welcome’ na kayang-kaya ng NCRPO Team na gampanan at maglingkod nang maayos sa misyong iniatang sa kanila na kaugnay nang kaayusan at kapayapaan  lalo na ng kaligtasan ng mga mamamayan.

Ayon kay Acorda, ang matagumpay na pagsasagawa ng BSKE 2023 ay naging masiglang bahagi ng kuwentong pamana ng PNP kaugnya sa serbisyo publiko. Naipakita ng PNP lalo na ng NCRPO-RMFB ang kanilang walang humpay na pagnanais na paglingkuran at protektahan ang komunidad at mga mamamayan.

Nagpasalamat ang PNP chief sa maayos na paggabay at pamumuno ni Nartatez sa NCRPO at sa walang sawa nitong pakiisa sa kanyang programang “Serbiyong Nagkakaisa” kung kaya naman bukod sa maayos ang naging resulta nang pagtupad sa tungkulin ng contingents ssa BARMM, naging maayos din ang ginawang pagtupad sa kanilang tungkulin ng NCRPO personnel na naging daan sa matahimik na halalan noong Oktubre 30, 2023.

Mukhang sa pakikiisa at magandang trabaho ni Nartatez, naaamoy ng mga mamamahayag sa Camp Crame na ang NCRPO director ang irerekomenda nitong si Acorda na pumalit sa kanyang pwesto sa pagbaba nito sa susunod na buwan.

Previous articleVP Sara bukas sa pagbusisi sa confidential fund issue
Next articlePOGO GATASAN NG AWTORIDAD