Home OPINION NCRPO RD MABANGO KAY PBBM

NCRPO RD MABANGO KAY PBBM

MABANGO raw ang pangalan ni PMGen Jose Melencio C.Nartatez pero ang siste, matagal pa sa serbisyo dahil magreretiro ito pagkatapos ng kaarawan sa Marso 19, 2027 at kung mapapasa ang PNP Modernization law,  dagdag isang taon ang serbisyo pa nito.

Kung sakaling ‘di si  Nartatez,  ang mapisil na pumalit kay PGen. Benjamin Acorda bilang PNP chief sa pagbibitiw nito sa Disyembre 3, 2023,  si PLtGen. Emmanuel Peralta na magreretiro sa Agosto 24, 2024 – kung isaalang- alang ang  maigsi na lang na serbisyo ay baka pagbigyan, ika ng nag-marites sa Chokepoint.

Nabanggit din na posibleng maupo ang mga mistah ni  Nartatez sa Philippine  Military  Academy class ’92  na sina Criminal Investigation and Detection Group director PMGen. Romeo Caramat na magreretiro sa Feb. 7, 2025 at PMGen. Ronald Lee  sa May 5, 2025.

Si newly promoted PMGen. Mario Reyes ay matatapos ang serbisyo sa  Dec. 1, 2024 at  Boholanong si dating NCRPO chief PMGen Jonnel Estomo na sa Nov. 25, 2024 ang kaarawan ay mga aspirante rin.

Lumutang din ang pangalan ni PMGen Edgar Okubo na kaisa-isang graduate ng Philippine National Police Academy  na kasali sa listahan ng pinagpipiliang maaring papalit kay Acorda.

Lahat ay kuwalipikado kaya good luck sa mga aspiranteng next PNP chief. Gayunman, si Tateng ang mukhang ieendorso rin ni Acorda para pumalit sa kanya.

 

Previous articleValenzuela welcomes new 528 barangay, SK officials
Next articlePAGKAKAMALI, KABIGUAN NG NFA ITUWID