Home ENTERTAINMENT NCT 127 may fansign event sa Manila!

NCT 127 may fansign event sa Manila!

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng fansign event sa susunod na taon ang sikat na K-Pop group na NCT 127.

Ayon sa global entertainment company na Applewood Korea, ang fansign event ay magaganap sa Enero 22, 2024.

Hindi naman i-aanunsyo sa publiko ang oras at venue dahil ito ay para lamang sa maswerteng mananalo sa draw.

Para makasali sa fansign event, dapat na bumili ang mga fans ng NCT 127 ng special winter single album na “Be There For Me” na mabibili sa website ng Applewood.

Ang bentahan ay nagsimula alas-6 ng gabi nitong Disyembre 21, at tatagal hanggang Disyembre 28.

Nasa kabuuang 150 ang mananalo sa draw, 35 ang mananalo sa fansign, 15 sa group photo event at 100 sa hi-bye event.

Iaanunsyo ang mga maswerteng nanalo sa Enero 2 sa social media at website ng Applewood.

Maliban dito, nakatakdang magkaroon ng concert ang NCT 127 sa Philippine Arena sa Bulacan sa Enero 21. Ito ay bahagi ng ikatlong tour ng grupo na NEO CITY – THE UNITY.

Matatandaan na nag-concert na rin ang grupo noong 2022 sa SM Mall of Asia Arena sa kanilang NEO CITY: THE LINK tour.

Ang NCT 127 ay sub-unit ng K-pop group na NCT. RNT/JGC

Previous articlePolice mobile binangga ng Chinese national na suspek sa kidnapping, arestado!
Next articleTop 3 most wanted person ng Navotas, timbog!