Home NATIONWIDE NEDA sa high-impact infra projects: PBBM admin will get the job done

NEDA sa high-impact infra projects: PBBM admin will get the job done

MANILA, Philippines – NANANATILING determinado ang administrasyong Marcos sa commitment nito na palakasin ang “connectivity, facilitate investment, and generate more jobs” habang isinusulong nito ang epektibong implementasyon ng high-impact infrastructure projects.

Sa press briefing sa Malakanyang, nagbigay ng mga pananaw si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan hinggil sa kamakailan lamang na mga kaganapan na nag-ugat mula sa 8th National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang chairman.

“By ensuring the efficient implementation of high-impact infrastructure projects, the Marcos Administration aims to get the job done.  We will enhance connectivity, reduce the cost of doing business, promote the creation of high-quality jobs, and ultimately reduce poverty sustainably to improve the lives of every Filipino,” ayon kay Balisacan.

Iniulat nito na ang meeting ay sumentro sa implementasyon ng key Infrastructure Flagship Projects (IFPs), kung saan mayroong 71 ongoing projects na nagkakahalaga ng P4.11 trillion, “as of July 2023”, tumaas mula sa 68 projects na napaulat noong  first quarter.

Sinabi pa ni Balisacan na mayroong tatlong karagdagang proyekto ang nasa ‘ongoing’ phase na, gaya ng Metro Cebu Expressway, Nautical Highway Network Improvement, at Daang Maharlika Improvement projects.

Samantala,  mula sa natitirang 123 IFPs,  27 ang aprubado para sa agarang implementasyon, 8 naman ang naghihintay ng government approval, 52  ang kasalukuyang  nasa preparatory stages, at 36 naman ang nasa pre-project preparation phase hanggang nitong Hulyo.

Iniulat din nito na kinumpirma ng NEDA Board ang revised guidelines na gagabay sa “formulation, prioritization, and monitoring” ng IFPs.

“Projects approved by the Investment Coordination Committee, or ICC, and confirmed by the NEDA Board, which are not in the current IFP list, but meet the criteria indicated in the IFPs Guidelines, shall be included in the IFP list, subject to the endorsement from the concerned implementing agencies,” ayon kay Balisacan.

Sa kabilang dako, kasunod ng revised guideline, muling inulit ni Balisacan na inaprubahan ng NEDA Board na isama ang tatlo pang proyekto sa ilalim ng listahan ng IFPs, gaya ng  Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) Extension Project’ Philippine Rural Development Project Scale Up;  at  Upgrading, Expansion, Operation, and  Maintenance of the Laguindingan International Airport Project sa Misamis Oriental.

“With their inclusion in the list, these projects will be prioritized in the government’s annual budget preparation and will benefit from the expedited issuance of applicable permits and licenses, in accordance with current legal frameworks,” ang pahayag ni Balisacan.

“This is a significant contribution to the timely implementation of these projects and fully realizing their economic returns, as this will help the government avoid the possibility of increasing costs and financing charges due to delays,” dagdag na pahayag nito.

Samantala,  nagbigay naman ng go signal ang NEDA Board para sa request  na baguhin ang “cost, scope, at implementation timeline” ng Flood Risk Management Project para sa  Cagayan de Oro River.

Kasama naman dito ang pag-apruba sa probisyon ng anim na fire trucks para sa  Marawi City sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) grant na nagkakahalaga ng P 72.5 million mula  China.

“This initiative aligns with the Bangon Marawi Rehabilitation and Recovery program, which focuses on revitalizing areas affected by the 2017 Marawi siege,” ayon sa Malakanyang. Kris Jose

Previous articleChinese envoy, kinondena sa pakikialam sa supply mission sa Ayungin Shoal
Next articleNadine Samonte, balik-showbiz, suko na sa panganganak!