Home METRO NegOr posibleng ideklarang election hotspot para sa BSKE

NegOr posibleng ideklarang election hotspot para sa BSKE

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Commission on Elections (Comelec) ang Negros Oriental, na nakapagtala ng ilang insidente ng politics-related violence kabilang ang pagpatay kay Governor Roel Degamo, bilang “possible contender” na ideklarang hotspot area, ayon kay chairman George Garcia nitong Huwebes.

Sinabi ni Garcia na ang mga lugar na matutukoy na hotspots ay may hatid na “serious challenge” sa darating na Barangay and Sanggunihan Kabataan Elections (BSKE).

“We already pinpointed certain areas in the Bangsamoro and, of course, Negros Oriental is a possible contender for being a hotspot area and other areas in Northern Luzon,” pahayag ni Garcia sa isang panayam.

Ang election hotspots, o “areas of concern,” ay local areas na may kasaysayan ng election-related violence, posibleng pagtatalaga ng partisan armed groups, at pagkakaroon ng politically motivated election-related incidents.

Inihayag ng chairman na makikipag-ugnayan ang poll body sa Philippine National Police upang matukoy ang election hotspots na dapat isailalim sa Comelec control o ikonsiderang “serious concern.”

Inihirit ni Senator Francis Tolentino noong nakaraang buwan ang pagsuspinde sa eleksyon sa lalawigan dahil sa dumaraming kaso ng political violence.

Iminungkahi rin ng siyam na Negros Oriental mayors na ipagpaliban muna ang BSKE sa lugar, dahil umano sa “lingering atmosphere of terror” kasunod ng pagpatay kay Degamo.

Subalit, sinabi ng mga awtoridad na bumaba na ang naiuulat na crime incidents sa lalawigan. RNT/SA

Previous articleBrawner kumpiyansa sa pagbubukas ng mas maraming EDCA projects sa 2024
Next articleKawalang-tiwala ng mga Pinoy sa kapabilidad ng PCG, ikinalungkot ng opisyal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here